OJT Training 2017CAS-CBE Sportsfest 2016CAS @ 37Department of Computer ScienceDepartment of Information TechnologyDepartment of LanguagesDepartment of Mathematics and StatisticsDepartment of Physical and Natural SciencesDepartment of Social Sciences and Humanities
OJT Training 2017
CAS-CBE Sportsfest 2016
CAS @ 37

Latest News Updates

Home

Stingers, Third Runner Up sa 41st Intramurals

Posted by: sysadmin | Date posted: July 8, 2016 | Comments: 1 Comment | Views: 741 Views

Hinirang na Third Runner Up ang koponang Stingers sa ginanap na 41st Intramural Meet sa Unibersidad noong Setyembre 16-18, 2015. Bagama’t huli sa pangkalahatang ranking sa kabuuang puntos na 403, ang pinagsanib na pwersa ng Kolehiyo ng Agham at Sining at Kolehiyo ng Pangangalakal at Ekonomiya ay namayani  naman sa apat na larangan.

Nakamit ng Stingers ang kampyonato sa mga sumusunod na laro: Beach Volleyball Women na pinangunahan nina Lea Cardenas at Glenna Corpus; Sepak Takraw Men na kinatampukan nina Raven Hero Orsaiz, Mark Daniel Navarette, John Paul Omanito, Shaun Mark Hall, Neil Steven Cariaga, Kurt John Corbe, Reniel Jay Ramos, Carl Christian Uhuad at Jayson Ventura.

Nagreyna rin sa Table Tennis Women sina Merced Ambongbong, Apple Mae Bernal, Soonjong Chatoy at Jeffelyn Narvasa; sa Archery Women sina Aileen Cariaga at Rezza Mae Bacay; at sa Swimming Women sina Angelica Aparis, Clarisse Marquez, Janice Ferrer at Myrna Lopez.

CAS Stingers

Nasungkit din ng Yunit ang ikalawang pwesto sa larong Volleyball Men, Badminton Men, Taekwondo Men and Women, Chess men at women, Arnis Women, at Cheer Dance Competition.

Ayon kay Shaun Mark Hall, manlalaro ng Sepak Takraw, "Diskarte, tiwala sa sarili at pagkakaisa ang naging susi ng aming pagkapanalo." Tuluy-tuloy ang pagkawili nila sa laro at pinili nilang "maging kalmado kahit medyo pumapalya na ang laban," dagdag niya. Ito umano ang naging sandata nila para maiuwi ang kampyonato.

Sa kabuuan, tumayong Second Runner Up ang Red Dragons sa 426 puntos, First Runner Up ang Blue Marlins sa 432 puntos, at kampyon ang Raging Bulls sa 433 puntos.

CAS Stingers

Iba't ibang larangan ng palakasan ang itinampok sa tatlong araw na paligsahan na kinabibilangan ng Softball, Baseball, Football, Futsal, Athletics, Basketball at Volleyball. Lumahok din ang mga pambato ng Kolehiyo sa Singing Star Idol and Dance Star Idol 2015, Dancesport, Search for Body Builder, at Search for Mr. & Ms. Intramurals 2015.

Ang mga pinakamahuhusay na atleta sa koponan ang nagsilbing kinatawan ng Bayombong Campus sa ginanap na Dual Meet sa NVSU Bambang Campus noong Setyembre 24.#Edison B. Lopez


Sharing is Caring:


COMMENTS:

No comments posted yet!

LEAVE A COMMENT:

Name(required)

Email Address(required)

Comment(required)